Sa pang-araw araw nating buhay hindi tayo nawawalan ng oras upang
manood ng telebisyon, partikular ng mga teleserye. Para sa atin ito ay nagsisilbing
pampalipas ng oras o panahon upang magpahinga. Alam naman natin na hindi lamang
mga nakatatanda ang mahilig manood ng mga teleserye kundi pati na rin ang mga
kabataan at mga bata. Kaugnay nito, napagtanto namin na ang panonood ng
teleserye ay may masama ring naidudulot lalong lalo na sa mga bata dahil maaari
nilang gayahin at gawin ang kanilang nakikita at nakikinig sa mga senaryo sa
teleserye tulad na lamang ng mga senaryo kung saan nagsasalita ang mga
aktor/aktres ng mga masasamang salita, mga senaryong may pagtatalik, karahasan,
paggamit ng droga at marami pang iba sapagkat karamihan ngayon sa mga teleserye
ay nagpapakita ng mga temang hindi pwede sa mga bata o sa madaling sa lita mga
palabas na rated PG at rated SPG. Mahalagang isaalang-alang natin ang mga bagay
na maaaring gayahin o tuladin ng mga bata sa kanilang napapanood sa mga
teleserye dahil maaari itong magdulot sa kanila ng masamang epekto.
Sa katapusan ng usaping ito nais naming makamit ang mga posibleng
solusyon upang maiiwas ang mga kabataan at mga bata sa mga masasamang epekto na
maaaring maidulot ng isang teleserye sa paghubog ng kamalayan nila bilang mga
kabataan at bata. Nais rin naming maisakatuparan at maipagpatuloy ang
adbokasiya na aming pinag-isipan at isinapapel.


Walang komento:
Mag-post ng isang Komento