Karamihan sa atin ay mahilig manuod ng mga teleserye
dahil ito ay interesante, ngunit hindi lahat ng interesante ay may mabuting
maidudulot. Isa na dito ang mga palabas na may rated PG at lalong lalo na
ang palabas na may rated SPG. Sa panahon
ngayon marami na ang teleseryeng may mga babalang ganyan ngunit hinahayaan pa
rin ng mga magulang ang kanilang mga anak na manuod ng mga ganitong uri ng
palabas. Sa tingin nyo ba ay may mabuting maidudulot ito sa kaisipan ng mga
kabataan at bata? Kung kaya naman nais naming isulong ang adbokasiyang “Kaisipang
Pangkabataan Ating Alagaan”, upang maiiwas ang mga
bata sa mga negatibong maidudulot ng mga nasabing uri ng palabas. Sa
adbokasiyang ito ang aming grupo ay mamimigay ng flyers sa iba’t-ibang tao
upang malaman at maunawaan nila ang aming adbokasiya. Inaasahan rin namin ang
aktibong partisipasyon ng mga taong ito kung sila ba ay sang-ayon din sa amin
upang maisagawa naming ang susunod na hakbangin na tinutukoy sa disenyo ng
aming proyekto.




Walang komento:
Mag-post ng isang Komento