Martes, Setyembre 29, 2015

PANIMULA

Bilang isang mag-aaral, isang matibay na basehan ang sariling pagsasaliksik ng iba’t ibang impormasyon. Isa sa aming matibay na basehan ay ang aming pagtatanong sa mga estudyante ng sekondarya ukol sa kung sila ba ay nanonood ng teleserye. Dalawampu’t dalawa sa dalwampu’t limang estudyanteng aming napagtanungan ay nanonood ng teleserye at ito ay may iba’t ibang dahilan; ilan sa mga dahilan kung bakit sila ay nanonood ng mga teleserye ay dahil ito ay nakatutulong bumukas ng kanilang kaalaman ukol sa mga iba’t-ibang mga bagay at para sa kanilang ikaaaliw. Malaki ang naitutulong ng panonood ng mga teleserye sapagkat ito ay may mga leksyon at ilan sa mga kaganapan ay nangyayari sa kanilang pang araw-araw na buhay. Ang mga tao ay natututo ukol sa iba’t-ibang aspeto kagaya ng mga isyung pang-pamilya, pang-relihiyon, pang-sariling disiplina at pakikihalubilo sa kapwa.  Ang mga teleserye ay nagbabago sa bawat panahon ngunit ang pagbabago ba nito sa makabagong panahon ay nakakatulong sa ating lipunan? Ang mga teleserye ngayon ay masyadong nagiging bukas sa iba’t-ibang isyu na hindi man lamang kinukinsidera ang mga bata o minor na manonood. Ilan sa maraming mga nagaganap na pagbabago sa teleserye ay ang mga temang naglalaman ng mga pananakit, “Adultery”, at droga.  Ang mga pagbabagong ito ay hindi angkop sa mga minor de edad sapagkat ito ay gugulo sa kanilang pag-iisip at maaaring subukan nila ang iba’t-ibang mga aksyon na ginawa sa teleserye kagaya na lamang ng paggamit ng droga.


Ang mga tema ng mga teleserye noon ay kalimitang ukol sa mga kahalagahan ng pamilya, kahalagahan ng kaibigan, at mga mahahalagang moralidad. Ang mga ito ay napalitan upang mabuksan ang kaalaman ng mga iba’t-ibang tao upang sila ay makagawa ng aksyon sa mga bagay bagay na maaring nilang maranasan. Ang mga bagong teleseryeng ito ay kapansin pansing hindi kaayaya para ipanood sa mga bata sapagkat ito ay naglalaman ng mga senaryo na maaring hindi lubos na maunawaan ng mga bata. Ang mga ito ay malaking suliranin sapagkat marami sa mga manonood ay mga bata o minor de edad at ang kanilang napapanood ay malaki ang epekto at impluwensya sa kanilang buhay. Marami nang ginawang aksyon ang mga mamamayan dito kagaya ng pagpapalabas ng mga kaukulang lebel katulad ng rated G, rated PG, at rated SPG. Sa aming pagsasaliksik sabi ng mga ekspert ay ang mga bata ay natutuo sa kanilang mga panonood at pakikinig, kaya’t dapat lamang na palitan ang mga tema ng mga teleserye lalo na sa mga oras na nanonood ang mga bata o kaya naman ay bigyan sila ng gabay ng kanilang mga magulang upang lubos na maintindihan ang pinapahiwatig ng teleserye.



PANGALAN NG GAGAWIN






“Kaisipang Pangkabataan Ating Alagaan”



Karamihan sa atin ay mahilig manuod ng mga teleserye dahil ito ay interesante, ngunit hindi lahat ng interesante ay may mabuting maidudulot. Isa na dito ang mga palabas na may rated PG at lalong lalo na ang  palabas na may rated SPG. Sa panahon ngayon marami na ang teleseryeng may mga babalang ganyan ngunit hinahayaan pa rin ng mga magulang ang kanilang mga anak na manuod ng mga ganitong uri ng palabas. Sa tingin nyo ba ay may mabuting maidudulot ito sa kaisipan ng mga kabataan at bata? Kung kaya naman nais naming isulong ang adbokasiyang “Kaisipang Pangkabataan Ating Alagaan”, upang maiiwas ang mga bata sa mga negatibong maidudulot ng mga nasabing uri ng palabas. Sa adbokasiyang ito ang aming grupo ay mamimigay ng flyers sa iba’t-ibang tao upang malaman at maunawaan nila ang aming adbokasiya. Inaasahan rin namin ang aktibong partisipasyon ng mga taong ito kung sila ba ay sang-ayon din sa amin upang maisagawa naming ang susunod na hakbangin na tinutukoy sa disenyo ng aming proyekto.

RASYUNAL, MITHIIN AT MGA LAYUNIN


Sa pang-araw araw nating buhay hindi tayo nawawalan ng oras upang manood ng telebisyon, partikular ng mga teleserye. Para sa atin ito ay nagsisilbing pampalipas ng oras o panahon upang magpahinga. Alam naman natin na hindi lamang mga nakatatanda ang mahilig manood ng mga teleserye kundi pati na rin ang mga kabataan at mga bata. Kaugnay nito, napagtanto namin na ang panonood ng teleserye ay may masama ring naidudulot lalong lalo na sa mga bata dahil maaari nilang gayahin at gawin ang kanilang nakikita at nakikinig sa mga senaryo sa teleserye tulad na lamang ng mga senaryo kung saan nagsasalita ang mga aktor/aktres ng mga masasamang salita, mga senaryong may pagtatalik, karahasan, paggamit ng droga at marami pang iba sapagkat karamihan ngayon sa mga teleserye ay nagpapakita ng mga temang hindi pwede sa mga bata o sa madaling sa lita mga palabas na rated PG at rated SPG. Mahalagang isaalang-alang natin ang mga bagay na maaaring gayahin o tuladin ng mga bata sa kanilang napapanood sa mga teleserye dahil maaari itong magdulot sa kanila ng masamang epekto.

Sa katapusan ng usaping ito nais naming makamit ang mga posibleng solusyon upang maiiwas ang mga kabataan at mga bata sa mga masasamang epekto na maaaring maidulot ng isang teleserye sa paghubog ng kamalayan nila bilang mga kabataan at bata. Nais rin naming maisakatuparan at maipagpatuloy ang adbokasiya na aming pinag-isipan at isinapapel.

 


Layunin ng usaping ito na maipaalam ang negatibong epekto ng mga teleseryeng may temang rated PG at SPG gaya ng maaaring gayahin ng mga bata ang kanilang napapanood at napapakinggan. Kaugnay nito, layunin din ng usaping ito na maipaalam na mahalaga ang gabay ng magulang at mahalaga ang pagiging bukas ng isipan ng mga manonood sa mga bagay na napapanood sa mga teleserye upang makuha ang pinapahiwatig na leksyon ng teleserye.

DISENYO NG PROYEKTO

I.          Pananaliksik ng iba’t-ibang impormasyon:
Ang grupo ay mananaliksik ng iba’t-ibang impormasyon gamit ang internet. Ang mga impormasyon na ito ay gagawing isang flyer.

II.        Pagpapalalim ng aming pagkakaunawa:
Ang grupo ay iaanalisa at uunawin ng malalim ang mga impormasyon upang ito ay mas maunawaan at maipahayag ng lubusan sa ibang mga tao.

III.      Pagkakalat ng impormasyon:
Ang nasabing flyer ay ipamimigay sa iba’t-ibang tao upang maunawaan nila ang aming adbokasiya at upang mas magawan ito ng aksyon.
IV.      Paghingi ng suporta at pagsang-ayon:
Ang mga taong sumasang-ayon ay hihingian ng pirma upang ito ay maipasa sa mga network na nagpapalabas ng mga teleseryeng hindi angkop para sa mga bata.

V.        Pagbibigay ng mga hindi pangsang-ayon:

Ang mga pirma ay ipapasa sa mga network upang ito ay mabigyang aksyon ng mga network. Ito’y magbibigay daan upang mas maraming tao ang makaalam sa mga aksyon na gagawin at unti unting kukuha ng suporta. Ang posibleng pasahan/ sabihan ng mga komentong ito ay ang url na http://abcnews.go.com/GMA/story?id=158076

INAASAHANG RESULTA

                


                  



               
Kapag naisakatuparan ang nasabing adbokasiya ang inaasahan naming mga resulta ay matuto ang mga bata na iwasang gawin ang mga maling gawain na nakikita nila sa mga teleserye sa pamamagitan ng gabay ng kanilang mga magulang. Inaasahan din namin na malalaman at maisasaisip nila ang mga negatibong epektong maaaring idulot sa kanila ng panonood ng teleserye.